
Busog sa tawanan at kilig ang second episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado, July 24!
Busy ang buong Caniogan High School sa paghahanda para sa Araw ng Kalayaan.
Kahit ang mga bidang sina Pepito (Sef Cadayona) at Elsa (Mikee Quintos) nakatutok sa mga pinaghahandaan na nilang activities sa school.
Pero tila pagmumulan pa ng away nina Pitoy at Elsa si Patrick (Kokoy de Santos), na kailangan nila sa practice.
Paano kaya nagkatuluyan sa huli ang aso't pusa na ito?
Samantala, blooming naman ang lovelife ni Mang Benny (Archie Alemania) na sweetheart si Aling Tarsing (Pokwang).
Bilang sorpresa sa kanya, bibigyan niya sana ito ng tanim niyang papaya.
Ngunit mahuhuli niya ang mortal enemy niyang si Nanay Rosa (Gladys Reyes) na pinipitas ang mga ito!
Tiyak word war na naman ang dalawa! Magkaayos kaya ang ama ni Pepito at nanay ni Patrick?
Abangan ang laugh out loud moments sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado, 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Related content:
Behind-the-scenes photos of 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'
TINGNAN: Ang mga bida sa bagong 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'