
May kurot sa puso ang episode ng Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo bukas ng gabi, dahil makikilala natin ang tatay ni Pepito (Michael V.) na si Mang Benny (Bembol Roco).
Bakit ba hindi malapit sa ama ang bida nating milyonaryo?
Saan nag-ugat ang tampuhan ng dalawa?
Maraming makaka-relate sa Saturday episode ng Pepito Manaloto at may sorpresang handog sina Pepito at kanyang bestfriend na si Patrick (John Feir)!
Curious na ba kayo sa mangyayaring prequel ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?
Puwes, para walang ma-miss sa sangkaterbang kuwentuhan at tawanan, manood ng Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo, ngayong Sabado ng gabi, July 3, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Heto naman ang pasilip sa star-studded cast ng upcoming prequel ng Pepito Manaloto na makakasama n'yo soon!