GMA Logo pepito manaloto recap
What's on TV

Pepito Manaloto: Barbie, magaling mambudol?

By Aedrianne Acar
Published November 22, 2023 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pekeng pulis, bumangga sa sasakyan ng mga tunay na pulis! | GMA Integrated Newsfeed
Andi Eigenmann looks back on 2016 experience
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

pepito manaloto recap


Oh no! Ang foreignay kasambahay ni Elsa (Manilyn Reynes), magiging biktima ng mga kawatan!

Hindi nabudol ang mga manonood sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento dahil siksik sa tawanan at makabuluhang kuwento ang napanood nila!

Base sa datos ng NUTAM People Ratings noong November 18 nakakuha ang sitcom ng 10.8 percent kontra sa katapat nitong programa.

Nababahala si Elsa (Manilyn Reynes) sa kinikilos ng foreignay nilang kasambahay na si Barbie (Lisa Lopez).

Kalat kasi sa village nila na maraming nabibiktima ng budol-budol gang.

Nakapagdududa rin na may kinakausap itong palihim sa kaniyang smartphone at minsan nahuli ni Baby (Mosang) na may kinita ito sa labas ng gate ng mansyon na isang hindi mapagkakatiwalaan na lalaki.

Nabudol na kaya ng budol-budol gang si Barbie?

Balikan ang funny episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi.

Barbie, parte ng budol-budol gang?

Elsa, napagkamalang kasambahay?!

Libreng 10,000 mula kay Pepito!

MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:

Negosyo ni Pepito, nanganganib na!

Patrick in his vlogger era!

Martin, the 'know-it-all' janitor!

Mga Kapuso abroad, panoorin ang latest episodes sa GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com

Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.