Article Inside Page
Showbiz News
Walang katulad na show ang 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento,' ayon kay Michael V.

Walang katulad na show ang
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
Ito ang sinabi ni actor/comedian Michael V o Bitoy sa panayam ng
GMANetwork.com habang isinasagawa ng ilang miyembro ng cast ang
Pepito ManaloTour sa iba’t ibang kolehiyo sa bansa, una na ang University of Santo Tomas, Miriam College at University of the Philippines.
Ayon kay Michael V, tatlo ang objectives ng show - to entertain, to inform at o inspire - at ibinabahagi nila ito sa pamamagitan ng punchlines, comedic situations, jokes, at man on the street questions.
“Meron kaming tinatawag na words of wisdom sa end, ‘yong life lessons. We give them para kahit naman paano, magkaroon kayo ng inspirasyon, mga pointers para sa buhay ninyo,” aniya.
Dagdag niya, “’Yon ‘yong objective ng show at even doon sa Book One.. hanggang ngayon.”
Naisipan nila isagawa ang
Pepito ManaloTour para isabuhay ang kanilang objectives sa palabas.
“Dito rin sa ginagawa naming
Pepito ManaloTour, to entertain, itong script reading and all. ‘Yon ‘yong objective namin.”
Tinanong niya ang audience: “’Yong ginawa nating script reading, natuwa naman kayo?” Napuno ng halakhak ang auditorium.
Pagkumpirma niya, “Nasiyahan naman kayo sa pinapanood namin.”
Pagkatapos ng script reading, ipinalabas din ang episode na hango sa script na binasa.
“We try to educate as well by showing how it’s done. We assure you na hindi ginagawa ng iba itong show namin.”
Pinakita rin nila kung paano ang production.
Ikinatuwa ni Bitoy na nakatulong ang
Pepito ManaloTour na mapalawak ang kaalaman ng mga dumalo, “We’re glad that we can educate you that way,” sabi niya.
Layunin din ng palabas na hindi lang matuwa ang mga tao sa
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, kundi para din ma-inspire ang mga tao na gumawa ng mga makatuturang programa at hasain pa ang kanilang kakayahan sa ganitong aspekto.
“Who knows kayong mga medyo practitioners, kayo ang future ng industriya. Some of you may be the next Felipe Gozon, the next Bert de Leon, the next Manilyn Reynes or Michael V, the next writer na sikat or you can be yourselves on your own,” pagtatapos niya.
Huwag palampasin ang mga katatawanan at bagong matututuhan sa
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Linggo pagkatapos ng
Kap’s Amazing Stories. Para sa updates kay Michael V at sa cast, bumisita lagi sa
www.gmanetwork.com.
-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com