
Kuwento ng tagumpay at suwerte ni Pepito Manaloto (Michael V.), ibibida sa hit TV show na 'Mula Noon, Hanggang Ngayon'?
Sa episode ng Pepito Manaloto ngayong February 11, aalukin ang ating bida milyonaryo na i-feature ang kanyang buhay sa isang hit TV show.
Excited ang pamilya ni Pitoy at mga kasambahay sa offer ng team ng 'Mula Noon, Hanggang Ngayon.' 'Yun nga lang, tumanggi na ang ating bida.
Pero ang mandurugas na friend ni Pepito na si Tommy (Ronnie Henares), makakaisip ng plano para maipalabas pa rin sa show ni Tita Alma ang buhay ng asawa ni Elsa (Manilyn Reynes). Ito ay sa pamamagitan ng pagkukuwento ng buhay ni Pits sa point of view ni Tommy.
Teka lang, ganun ba ka-close si Mr. Diones sa ating bida milyonaryo?
Oh, mga friends! Manood ng all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento with our special guests Wendell Ramos, Dion Ignacio, at Bianca Lapus, this coming February 11 sa oras na 7:00 p.m.
COOL THROWBACK PHOTOS FEATURING THE CAST OF PEPITO MANALOTO HERE: