
Mukhang may tensyon na magaganap sa PM Mineral Water ngayong Sabado ng gabi.
Magkakaroon ng pasahan ng trabaho sa kumpanya ni Pepito (Michael V.). Dahil busy si Janice (Chariz Solomon) sa school event ng anak, ide-delegate niya ang tambak na utos ni Pitoy kina Tere, Vincent, at Mara.
Ang tatlo, ipapasa naman ang tasks sa office Intern na si Cara (Sophia Senoron). Sa sobrang daming trabaho na ibinigay sa kaniya, pipiliin niya maging “quiet quitter” at gagawa lang ng mga bagay during office hours.
Saan hahantong ang tensyon na ito sa pagitan ng mga empleyado ni Pepito?
At sino itong binigyan nina Tere at Vincent ng nickname na “Patty”?
Alamin kung ano ibig sabihin ng “quiet quitting” at matawa while watching Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa Sabado ng gabi (October 8), pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:15 p.m.
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.
TINGNAN ANG ICONIC TRAITS NG PABORITO N'YO NA PEPITO MANALOTO CHARACTERS: