GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Challenging camping trip nina Pepito at Clarissa

By Aedrianne Acar
Published May 17, 2023 4:22 PM PHT
Updated May 4, 2024 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Maging memorable kaya ang bonding trip nina Pepito (Michael V.) at Clarissa (Angel Satsumi)? Sundan ang mangyayari sa all-new episode ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' ngayong May 4.

May father and daughter bonding sina Pepito (Michael V.) at Clarissa (Angel Satsumi) sa Saturday episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Maiisip ng Manaloto fambam na masayang sumama sa camping trip ng pamilya ng kaibigan ni Clarissa.

'Yun nga lang, matapos magplano ang mag-anak, ang ending ay hindi puwede sina Elsa (Manilyn Reynes) at Chito (Jake Vargas).

Mag-survive kaya sina Pepito at Clarissa sa camping trip nilang dalawa?

Itodo ang good times ngayong Sabado, May 4, dahil makakasama natin this weekend sina Matet de Leon, Ray An Dulay, Shanelle Agustin, at Sophia Señoron.

Kaya tumutok sa isa na namang happy episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, after Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 7:00 p.m.

SILIPIN ANG AMAZING TRANSFORMATION NG DATING CHILD STAR NA SI ANGEL SATSUMI DITO: