
Sa huling episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, tila sinuwerte pa si Chito (Jake Vargas) nang ma-ghosting at makilala sa Garden café ang mestiza beauty na si Patty (Angela Alarcon).
Bakit nga naman hindi mabibighani ang anak ni Pepito (Michael V.) kay Patty--maganda na, funny pa ang dalaga.
Pero mukhang maiipit ang guwapong si Chito nang kinailangan nilang magpanggap ni Patty na engaged na sila para makalibre ng dessert.
Ano ang magiging reaksyon ng lahat sa biglaang engagement ng panganay ng mga Manaloto?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento noong Sabado sa video below.
Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na dapat n'yo ulit-ulitin.
Sana all may kasamahan like Janice!
Recycle pa more!
Ang bandang magaling lang mag-jamming!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom DITO.