
Kapupulutan ng aral ang ating episode this week sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tungkol sa mental health.
Mag-aalala si Clarissa (Angel Satsumi) para sa boyfriend na si Jacob (John Clifford) na mukhang distant at malungkot lalo na ngayong naka-wheelchair siya.
Paano kaya tutulungan ng mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) hindi lang si Jacob, kundi pati na rin ang anak nila na apektado sa nangyayari sa kanyang kasintahan?
RELATED CONTENT: TRIVIA ABOUT SPARKLE HEARTTHROB JOHN CLIFFORD
Tutukan ang heartwarming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na March 16 sa oras na 7:15 p.m.