
Excited na sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa bagong milestone ng kanilang unica hija!
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (June 21), masayang pinag-uusapan ng Manaloto couple ang nalalapit na pagpasok ni Clarissa (Angel Satsumi) sa college at todo ang support ni Pitoy sa kukunin na Creative Writing course ng anak.
Pero mukhang hindi pa yata ready ang only daughter ni Elsa sa kukunin nitong kurso.
Paano kaya tatanggapin ng Manaloto couple kung biglang sabihin ni Clarissa na hindi muna siya mag-e-enroll?
Sundan ang mangyayari sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na June 21 sa oras na 7:15 pm, pagkatapos ng PBB Celebrity Collab Edition.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now