
May sakit, pero lalaban!
Ito ang problema na kinakaharap ni Elsa (Manilyn Reynes) na kahit may flu ay kailangan mag-bake para sa food tasting ng isang picky client.
Idagdag mo pa na tinamaan din ng sakit sina Baby (Mosang), Maria (Janna Dominguez) na katulong niya sana at pati si Robert (Arthur Solinap).
Ang naisip na solusyon ng misis ni Pepito (Michael V.), uminom ng antihistamine na para sa bata upang agad na gumaan ang pakiramdam.
Source: GMA Network and Pepito Manaloto social media pages
Effective kaya ang pag-inom ng gamot ni Elsa o maging sanhi ito ng problema dahil baka may side effect ito?
Sulit ang pahinga ngayong April 22 kung manonood ng all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, after Amazing Earth sa oras na 7:00 p.m.
TINGNAN ANG KULIT THROWBACK PHOTOS NG CAST NG PEPITO MANALOTO: