GMA Logo Pepito Manaloto episode on October 7
What's on TV

Pepito Manaloto: Elsa Manaloto, may guwapong admirer

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 5, 2023 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on October 7


Samahan kami sa tawanan at good times sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' na mapapanood n'yo sa bago nitong timeslot na 7:00 p.m., pagkatapos ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ngayong October 7.

Ang haba naman ng hair ni Mrs. Elsa (Manilyn Reynes) Manaloto this weekend, lalo na may guwapong millennial na sobrang sweet sa kaniya.

Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, makikilala ng misis ni Pepito (Michael V.) ang heartthrob na si Neil (Jeff Moses) na kanilang kapitbahay.

Magtataka ang mga nakatira sa mansyon kung bakit napapadalas sa pagdalaw si Neil at minsan pang binigyan ng bouquet of flowers si Elsa.

GET TO KNOW JEFF MOSES HERE:

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Pitoy na si Elsa, may young admirer?

Pagmulan kaya ito ng away nang dalawa?

Huwag palagpasin ang nakaka-good vibes na episode ng award-winning sitcom, dahil bukod sa Sparkada hottie na si Jeff, makakasama rin natin sina Chad Kinis, David Remo, at beauty queen na si Celeste Cortesi!

Panoorin ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 7:00 p.m.

Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento new schedule

THROWBACK PHOTOS WITH THE CAST OF PEPITO MANALOTO: