GMA Logo Pepito Manaloto episode on November 8, 2025
Source: sayakasatsumi10 (IG) and GMA Network
What's on TV

Pepito Manaloto: Elsa Manaloto, may paalala sa viewers!

By Aedrianne Acar
Published November 12, 2025 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on November 8, 2025


Elsa Manaloto: “Huwag maging Juan Tamad sa paghingi ng tulong o payo ng mga eksperto at mga nakakaalam.”

Double stress ang nangyari sa ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong Sabado, November 8.

Humingi ng tulong si Berta (Jen Rosendahl) sa mga Manaloto dahil sa bumaba ang blood pressure ni Mimi (Nova Villa).

Habang sinusugod nina Pitoy at Patrick (John Feir) si Mimi sa ospital, nagpaaalala ang mister ni Elsa (Manilyn Reynes) tungkol sa importansya nang pagmonitor ng blood pressure at pagsunod sa payo ng mga doktor kung paano aalagaan ang sarili.

Sa isang bahagi ng episode, pinagalitan pa nina Pepito at Patrick si Mimi dahil hindi ito umiinom ng maintenance medicine na nirekomenda ng espesyalista.

RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST

Bago matapos ang episode, isang mahalagang paalala ang iniwan ni Elsa Manaloto sa mga manonood at binigyan diin na bawal ang pagiging 'Juan Tamad' at dapat ay maging 'Juan Tama.'

Aniya, “Hindi lahat ng problema ay sinasarili.

“Hindi kasi lahat ng bagay kaya ng iisang diskarte. Madalas akala mo kayang-kaya mo 'yung sitwasyon pero wala naman nangyayari. Minsan lalo pa nga lumalala, kaya huwag maging Juan Tamad sa paghingi ng tulong o payo ng mga eksperto at mga nakakaalam. Huwag maniwala sa maling impormasyon para hindi ka mapasama.”

“Sabi nga, don't be Juan Tamad, be Juan Tama.”

RELATED CONTENT: CONTRACT SIGNING BE JUAN TAMA CAMPAIGN