
Mapapa-good time ang misis ni Pepito (Michael V.) sa all new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado, November 23.
Ang bagong manager sa KTV bar ni Elsa (Manilyn Reynes) na si Patrick (John Feir), mapapasubo sa inglesan sa supplier nila ng British whiskey na si Ms. Harrison.
Dahil dinudugo na ang ilong ni Patrick (John Feir) sa pakikipagusap kay Ms. Harrison, to the rescue na si Elsa para siya na mismo ang makipag-meeting dito para sa isang event nila sa KTV.
Pero ang pagkikita na ito nina Elsa at Ms. Harrison, mapupunta sa matinding tagayan!
Harmless relaxation lang kaya ang inuman session ni Elsa sa kanilang British-speaking supplier o mauwi ang misis ni Pitoy sa pagkakaroon ng drinking problem?
Sundan ang mangyayari sa kulit episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong November 23, 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: MANILYN REYNES' STUNNING THROWBACK PHOTOS