
Duda si Elsa (Manilyn Reynes) nang makita niya na kausap ni Pepito (Michael V.) ang sexy at beautiful na interior designer na si Agnes.
Tama kaya ang pagduda ni Elsa sa mister, lalo na at narinig niya ang mga kasambahay at si Mimi (Nova Villa) na pinagtsi-tsismisan ang kapitbahay nila na nahuling nangangaliwa.
Maipaliwanag kaya ng bida nating milyonaryo kung bakit pansamantala niyang hindi suot ang wedding ring niya.
Teka lang, nagpapanggap ba si Pepito na single?
Tama na ang mga hinala! Manood mga Kapuso at alamin ang mangyayari sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Kuwento Pa More, bukas ng gabi May 7, after 24 Oras Weekend!