
May nagbabadyang problema bago sumapit ang Bagong Taon sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
May tampo si Elsa (Manilyn Reynes) kay Pepito (Michael V.) at sa mga anak niya, dahil wala kasing interesado na tikman ang ginawa niyang special na porchetta.
Magpapaalam ito na mag-out of town para um-attend ng isang food seminar. And ending, maiiwan tuloy sina Pepito, Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) sa mansyon at wala ang kanilang magaling na chef.
Ano ang ipapakain ni Pitoy sa kanyang mga anak habang wala ang misis?
Idagdag mo pa na dadating ang tatay niyang si Mang Benny (Bembol Roco) na nagki-crave ng masarap na kaldereta.
Paano na ang Media Noche ng Manaloto fambam kung may hinanakit si Elsa?
Walang iwanan sa panonood ng New Year's special sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong December 31, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:30 pm.
THROWBACK PHOTOS WITH THE CAST OF PEPITO MANALOTO: