
Maganda man ang bike ng ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.), hindi naman niya ito maife-flex dahil tutol ang misis na si Elsa (Manilyn Reynes).
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong June 10, ineengganyo ni Patrick (John Feir) ang best friend na sumali sa isang motorcycle club.
Pero mariin ang pagtutol ni Elsa (Manilyn Reynes), dahil sa nabalitaan niyang aksidente tungkol sa mga motor.
Paano kaya niya makukumbinsi ang misis na safe lang siya sa pagbi-bike?
At itong si Mang Benny (Bembol Roco), may dinadamdam na sakit at hiniling sa anak na si Pitoy na samahan siya magpagamot.
Ano naman kaya ang magiging resulta ng checkup niya?
Mas masaya ang good times kasama ang buong family, kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong June 10 after Amazing Earth sa oras na 7:00 p.m.
MORE KULIT THROWBACK PHOTOS WITH THE PEPITO MANALOTO CAST: