
Sa pagtatapos ng 2025, muling humakot ng parangal ang award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Dahil sa makabuluhang kuwento at child-friendly themes na hatid ng flagship-comedy show na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes, nakamit uli nito ang Anak TV Seal.
Bukod sa Pepito ilang pang GMA Entertainment show ang nakatanggap din ng parangal tulad na lang ng Family Feud, Daig Kayo Ng Lola Ko, Amazing Earth, iBILIB, The Clash, The Voice Kids, TicktoClock, Magpakailanman, at All-Out Sundays.
Nakakuha rin ng Anak TV Seal award ang GMA Prime series na Pulang Araw at ang afternoon soap na Prinsesa ng City Jail.
Samantala, pasok sa Makabata Awards for Television Top 10 Favorite Program din ang Family Feud na hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa Facebook post ni Manilyn, nagpasalamat siya sa Anak TV para sa pagkilala na natanggap ng Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Magiging exciting rin ang December episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento dahil magbabalik ang karakter ni Deedee Kho!
Gumaganap ang OPM diva na si Jessa Zaragoza bilang anak ng seasoned comedienne na si Nova Villa na si Mimi Kho.
INSET: Dee 1-3
IAT: Deedee Kho xx Source: Pepito Manaloto (FB)
Abangan ang updates sa pagbisita ni Deedee Kho sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento by visiting GMANetwork.com.