What's on TV

PEPITO MANALOTO: Good bye na ba kay Tommy?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 10:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



May mababasa ang Manaloto family sa Facebook post ni Mimi na pumanaw na si Tommy. Totoo nga bang wala na si Tommy?


Tatamaan ng ‘Pokemone Go’ craze ang pamilya ni Elsa Manaloto. Maadik kakalaro sina Chito at Clarissa ng popular smartphone app at kahit ang mga kasambahay nila at si Patrick mahuhumaling sa laro na ito.

Paano kayo masosolusyunan ito ni Elsa para mabawasan ang paglalaro ng kaniyang mga anak ng Pokemon Go? Matulungan kaya siya ng kaniyang asawa na si Pepito na malutas ang suliranin na ito?

May mababasa naman ang Manaloto family sa Facebook post ni Mimi na pumanaw na si Tommy. Agad na pupunta ang buong mag-anak sa burol nito, ang problema maliligaw sila at dahil low-batt ang mga cellphone nila sa kakalaro ng Pokemon Go walang makagamit ng waze para matunton ang lokasyon ng burol.

Patay na ba talaga si Tommy at sino-sino ang makikilala nina Pepito at Elsa sa paghahanap nila sa burol ni Tommy na talagang mapapa-throwback ang mag-asawa?

Tiyak busog na naman kayo sa katatawa at maraming matutunang mabubuting aral sa award-winning sitcom na mahal na mahal niyo mga Kapuso. Manood ng Pepito Manaloto ang Tunay na Kuwento sa darating na September 17 pagkatapos 24 Oras Weekend.

More on PEPITO MANALOTO:

'EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

'Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement

 Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?'