
Hindi na ba mararanasan ng Manaloto family ang alaga ni Baby (Mosang)?
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this weekend, darating ang former alaga ni Baby sa Hong Kong na si Daisy (Yza Uy).
Masaya ang reunion ng dalawa sa una, pero may mas malalim na dahilan si Daisy kung bakit niya pinuntahan ang dating kasambahay.
Ipapaalam kasi ng dalaga kina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na plano niya dalhin si Baby sa Hong Kong!
Source: Pepito Manaloto
May mamaalan na ba ng tuluyan sa Manaloto mansion?
Tutukan ang all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 22 sa oras na 7:15 p.m., pagkatapos ng The People Have Spoken.
RELATED CONTENT: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors