
May big celebration na magaganap sa all new-episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong November 2!
Ang maybahay ni Pepito (Michael V.) na si Elsa (Manilyn Reynes), graduate na sa pinapasukan nitong Business Management course.
Kaya mapapaisip tuloy ang bida milyonaryo at ang kanyang mga kasama sa mansyon kung paano isu-surprise si Elsa.
Paano kaya kung sundin nila ang suggestion ni Maria (Janna Dominguez) na huwag i-surprise si Ma'sm Elsa niya para magulat lalo ito?
May time kaya si Pitoy na makagawa ng plano para iparamdam sa misis na sulit ang pagod nito sa pag-aaral niya?
Tutukan ang unli-tawanan sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong November 2 sa oras 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.