
Throwback kung throwback ang mapapanood n'yo sa Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo dahil makikilala na ang ilan sa mga taong naging parte ng makulay na high school days ni Pepito (Michael V.)!
Anu-ano itong high school stories nina Pitoy at Elsa (Manilyn Reynes) na dapat ninyong malaman?
Abangan ang isa namang nakaka-good vibes na kuwentuhan sa Pepito Manaloto ngayong Sabado ng gabi, June 26, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Samantala, ilang tulog na lang at malapit n'yo nang mapanood ang inaabangang prequel ng award-winning sitcom, kung saan bibida sina Sef Cadayona at Mikee Quintos.
Makakasama din ng dalawa sina Pokwang, Kokoy de Santos, at ang versatile actress na si Gladys Reyes!
Abangan ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento coming soon on GMA-7!