What's on TV

Pepito Manaloto: How will you define success?

By Aedrianne Acar
Published June 7, 2024 12:32 PM PHT
Updated June 7, 2024 2:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 trafficking victims who posed as House employees rescued in Cebu - BI
'Heated Rivalry''s Connor Storrie and Hudson Williams look dapper at Golden Globes debut
206 rockfall events, 63 uson recorded on Mayon from Jan 12 to 13, 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on June 8


Successful nga ba na maituturing si Boss Pepito (Michael V.)? Tutukan ang funny episode ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng '24 Oras Weekend.'

Mapapaisip ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa tanong na: masasabi ba niya na isa siyang successful person?

Sa all-new episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong June 8, 'tila magiging palaisipan sa mister ni Elsa (Manilyn Reynes) nang matanong siya ng mga estudyante na gumagawa ng isang documentary kung ano ang opinyon niya sa success.

Mahanap kaya ni Boss Pepito ang sagot sa tanong na ito para makapagbigay siya ng honest answer sa mga bata?

Pepito Manaloto episode on June 8

Samantala, gustong bilhan ni Clarissa (Angel Satsumi) ang boyfriend niya na si Jacob (John Clifford) ng isang gadget.

Dahil wala pa siyang ipon, maiisip niya na magtrabaho sa Bean & Bean bilang part-time worker. Magawa kaya ni Clarissa ang raket niya nang maayos kung nakabuntot ang nanay Elsa niya na nag-aalala?

Kaabang-abang ang kuwento ng Manaloto family this weekend, lalo na at sasamahan pa tayo ng mga special guests natin na sina Pauline Mendoza, Jennie Gabriel, Viggo Franco, Nikki Van, Aidan Veneracion, Roxie Smith, at John Clifford!

Success ang paghihintay sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na mapapanood nyo tuwing Sabado sa oras 6:15 p.m. bago ang Running Man Philippines season two.

RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST