
Christmas na puno ng love o selos ba ang kahihinatnan ni Pepito (Michael V.) ngayong Sabado ng gabi?
Sa upcoming episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, magtataka si Elsa (Manilyn Reynes) nang makita niya sa loob ng sasakyan ng mister ang isang keychain.
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
At hindi ito ordinaryong keychain dahil pambabae ito!
Sino ba ang misteryosong tao na isinakay ni Pepito sa kanyang personal car? Magiging malamig ba ang pakikitungo ni Elsa sa mister ngayong Pasko?
Tutukan ang Christmas special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na December 20 sa oras na 7:15 p.m.