
May hamon na haharapin si Boss Pepito (Michael V.) sa umpisa pa lamang 2026.
Base sa budget review ng bida milyonaryo noong 2025 ay mataas ang naging gastusin nila sa PM Mineral Water.
Kaya naman hihingi ng tulong si Janice (Chariz Solomon) sa mga katrabaho para may ma-isuggest sila para makatipid ang kumpanya.
Pero mukhang ang cost-cutting measure, mauuwi yata sa layoff!
Sino kina Mara, Tere, at Vincent ang nasa chopping block at baka matanggal?
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Sama-sama na manood ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na January 10 sa oras na 7:15 p.m.