GMA Logo Pepito Manaloto episode on March 9
What's on TV

Pepito Manaloto: Mapapasabing 'naku po' si Pepito!

By Aedrianne Acar
Published March 7, 2024 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Plaint up vs 14 brgy officials, workers for alleged cash aid modus
Small exchange gifts paandar sa Christmas parties o reunions, kinaaaliwan
PAWS reacts, calls on witnesses to the brutal killing of Axle

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on March 9


May new business si Pepito (Michael V.)! Kumusta naman kaya ang mga empleyado niya sa bago niyang venture?

Mapapakamot ng ulo ang ating bidang milyonaryo sa mga kakaharapin niyang challenges sa bago niyang business sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this weekend.

Busy si Pepito (Michael V.) sa kaniyang newly-acquired grocery business, pero, samu't saring problema ang mae-experience niya pagpapatakbo nito.

Idagdag mo pa na may empleyado siyang si Leslie na sakit ng ulo ni Pitoy.

Tama kaya ang desisyon ng ating bida na magkaroon ng grocery?

At ang mga tao sa Manaloto mansion, may kung ano-anong sakit ang nararamdaman. Kahit si Elsa (Manilyn Reynes) mismo nakakaranas ng itchy scalp.

Dapat kaya nilang paniwalaan ang hinala ni Tommy (Ronnie Henares) my friend na ang mga nararamdaman nila ay dulot ng cell tower sa labas ng kanilang village?

Makikisaya rin with the Manaloto fambam this weekend ang mga special guest natin sina Pauline Mendoza , Jennie Gabriel , Jimwell Ventinilla, and Dave Bornea.

Manood na ng all-out tawanan sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento for the best weekend ever sa darating na March 9 sa oras na 7:15 p.m.

RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS WITH THE PEPITO MANALOTO CAST