
May major problem si Mara this Saturday night sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento!
Darating ang kaniyang Mama Mia mula abroad, pero hindi pa nito alam na ang dating si Mariano Quijano ay isang ganap nang transwoman.
Matanggap kaya ni Mama Mia na wala na si Mariano at siya na si Mara?
May problema rin ang favorite love team natin na ChiNikki dahil kailangan ni Nikki magpunta muna sa Canada matapos mapili ng kumpanya niya para mag-training.
Kakayanin kaya ni Chito na pansamantalang malayo sa girlfriend?
Walang sawa ang tawanan sa pananood ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this September 22 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.