
Magugulat ang lahat sa Manaloto mansion dahil may magbabalik from Dubai!
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, darating sa tahanan nina Pepito (Michael V.) at Elsa Manaloto (Manilyn Reynes) ang pinakamamahal nilang kasambahay na si Maria (Janna Dominguez).
Ang buong akala ng lahat ay permanent na sina Maria at Baby Baby sa Dubai kasama si Mario, pero bakit balik-Pinas ito?
Ano ang nangyari sa relasyon nina Maria at Mario?
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Extra special ang comeback ng long-time cast member na si Janna Dominguez this Saturday night dahil dalawang mahusay na aktor ang special guests din sa flagship sitcom.
Abangan ang pakikipagkulitan ng award-winning actors na sina Dingdong Dantes at Sid Lucero with the Manaloto fambam.
Huwag papahuli sa masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na February 28, 6:15 p.m.