
Elsa Manaloto (Manilyn Reynes), mapabilib kaya ang isang internationally-acclaimed food critic?
May espesyal na bisita ang misis ni Pepito (Michael V.) sa kanyang KTB bar, at ito ay ang sikat na food reviewer na si Michelle Lee (Gee Canlas).
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Mapapabilib kaya ni Elsa si Michelle sa mga specialty niya kahit wala siyang pang-amoy at panlasa dahil tinamaan ng sakit? Uubra ba ang master chef skills ni Mrs. Manaloto versus sa isang world-renowned food critic?
Tutukan ang isa na namang masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na February 21 sa oras na 7:15 p.m.