
Tuloy ang best adventure ever ng mga Manaloto sa part 2 ng grand summer special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Last Saturday, sunod-sunod ang aberya na naranasan ng bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.).
Pero mukhang matatapos na ang problema ni Pitoy, kaso, lilipat ang malas sa misis niya na si Elsa (Manilyn Reynes)!
Anu-ano kaya'ng unlucky moments ang mararanasan ni Mrs. Manaloto sa summer vacation nila?
Let's beat the heat at tumawa this Saturday night kasama ang mga celebrity guest na sina Wilma Doesnt, Nino Alejandro, at Jimwell Ventenilla.
Tuloy ang saya sa part-two ng summer special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa mas pinaaga nitong oras na 6:15 p.m. ngayong June 1, bago ang Running Man Philippines season two.
RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST