
Palaisipan sa mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) kung sino ang tumangay sa paluwagan ng kanilang empleyado sa latest episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Nagsagawa ang ating bida milyonaryo ng isang imbestigasyon para malaman kung sino ang may sala sa pagkawala ng paluwagan na itinago ni Patrick (John Feir) sa kanyang opisina. Ang problema, halos lahat ng suspect ay may motibo para kunin ang pera.
Mula kay Mara, Vincent, Tere, Tommy at kahit si Patrick na BFF ni Pitoy, posibleng kumuha nito.
Totoo kayang isa sa kanila ang kumuha o mas shocking pa ang tunay na nasa likod ng nawawalang paluwagan sa PM Mineral Water?
Balikan ang funny episode na ito ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last January 28 sa video below.
Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na masarap ulit-ulitin:
'Yung treasurer niyong napakahigpit sa pera
Patrick niyo, nag-aala Tommy na!
Sahod sa paluwagan, ninakaw!
Dakilang office seller, nalubog sa utang?
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.