GMA Logo Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento
What's on TV

Maria, ang princess boss ng PM Mineral Water?

By Aedrianne Acar
Published July 8, 2022 6:36 PM PHT
Updated September 21, 2022 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento


May nakakalokang mangyayari sa kumpanya ni Pepito (Michael V.). Heto ang pasilip sa episode ng award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' sa Sabado ng gabi (September 24).

Mapapakamot kayo ng ulo, kung paano ang kasambahay na si Maria (Janna Dominguez), magiging boss sa PM Mineral Water!

Ngayong Sabado ng gabi sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, masyado mahuhumaling sa koreanovela series na “My Princess Boss” si Maria (Janna Dominguez).

Kaya naman nang bumisita ito sa kumpanya ni Pepito (Michael V.), feel na feel niya ang pagiging bida tulad ng napapanood niya sa paborito niyang series na nagsuot pa siya ng OOTD ala office girl.

Kaso, mapagkakamalan si Maria na may-ari ng PM Mineral Water ng VIP client na si Mrs. Miranda.

Siya kaya ang dahilan para mapurnada pa ang deal ni Pitoy sa naturang kliyente?

At itong si Baby (Mosang), hindi feel ang house guest ng mga Manaloto na si Erwin (Jimwell Ventenilla) na tinutulungan ng mga ito na, dahil kailangan ng pansamantalang tutulyan.

Totoo kaya ang hinala ni Baby na si Erwin ang kumuha ng padalang chocolate ng asawa niya mula sa ibang bansa, lalo na at napapansin nito na nangengealam ito ng personal ng iba nang walang paalam?

Mag-relax habang na nonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:15 p.m. sa darating na September 24.