
Mas tinutukan ng nakararami ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last Saturday night.
Nakakuha ang award-winning comedy show ng 10.3 percent base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Matindi ang pangangailangan sa pera ni Mimi Kho (Nova Villa).
Aabot pa sa punto na maiisip nito magpanggap na pulubi at mamalimos para kumita lang ng pera.
'Yun nga lang makikita siya ni Tommy (Ronnie Henares) at magpo-propose na makikihati sa kita niya mula sa pamamalimos. Kung hindi siya papayag, baka raw madulas itong maikuwento sa kaniyang pamilya at mga kakilala niya ang ginagawa niya.
Makumbinsi kaya si Mimi sa blackmail, este, proposal ni Tommy?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below.
Mimi, pinasok na ang pamamalimos!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Elsa, ang very worried tita ng balikbayan
Kaunting linaw naman para kay Maria!
Elsa, ang OA na ninang?
Bangayan nina Ms. Overprice at Mr. Overage
Tangkilikin ang sariling atin!
For the Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.
Link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/pepito_manaloto_ang_tunay_na_kuwento/videos/all