
Epic ang tawanan sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this Saturday night.
Extra special pa ang guest natin this weekend dahil sasamahan tayo ni Mr. Yow ng Team Payaman.
Masusubukan ang pasensya ni Pepito (Michael V.) sa bago nilang kapitbahay sa village na si Boy Epic.
Ang vlogger-turned-techpreneur, panay hingi ng selfie at shoutout sa asawa na si Elsa (Manilyn Reynes) na nagiging sagabal na ito sa kaniyang buhay.
Magawa kaya ng bida milyonaryo na magpasensya sa neighbor fan o ma-turn off kaya si Pitoy kapag nalaman niya ang 'epic reputation' sa vlogging community ni Boy Epic?
Mag-relax ngayong Sabado ng gabi sa panonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 30 sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST