GMA Logo Pepito Manaloto August 5 episode
What's on TV

Pepito Manaloto: Oh wow! May bagong endorser ang PM Mineral Water

By Aedrianne Acar
Published August 3, 2023 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto August 5 episode


Kikiligin ang mga empleyado ni Pepito (Michael V.) sa pagdating ng bagong endorser nila sa PM Mineral Water na si David Ortega.

Looking for a celebrity endorser si Pepito (Michael V.) para sa bago nilang produkto sa PM Mineral Water na kanilang i-e-export.

Kaya naman itong si Vincent (Tony Lopena), ipinitch sa ating bida milyonaryo na kunin ang aktor na si David Ortega para maging brand ambassador.

Approved na ni Boss Pepito ang campaign at ang girls sa PM Mineral, kilig na kilig na makita si David.

Pero, mukhang may gusot sa plan ni Vincent, dahil walang oras ang hunky celebrity para i-shoot ang commercial para sa product endorsement niya sa PM Mineral.

Ano ang gagawin ni Vincent kapag nalaman ni Pitoy na may sablay sa campaign idea niya?

Samantala, mapapagalitan naman naman si Pepito ng misis sa pagbili nito ng isang Voltes V toy.

Puna ni Elsa (Manilyn Reynes), bumibili siya ng mga gamit na hindi naman kailangan.

Paano kaya kung magbaliktad ang sitwasyon at si Mrs. Manaloto naman ang mahuhumaling sa paggastos para sa isang promo na magamit ang VIP lounge sa isang department store. Makapag-react pa kaya si Elsa sa tuwing may bagong laruan si Pepito?

Wow ang tawanan sa paborito n'yo na sitcom this weekend, dahil makikisaya sa atin sina Jon Lucas, Via Antonio, at Sophia Señoron.

Mag-bonding with the whole family ngayong Sabado sa panonood ng Pepito Manaloto, Tuloy Ang Kuwento 6:15 p.m., after 24 Oras Weekend at bago mag-Battle of the Judges.