
Matatapos na ba ang hotdog era ng BFF ni Pepito (Michael V.)?
Magkakaroon ng health emergency si Patrick (John Feir) dahil matapos pumunta sa food trip event na 'Hot Duggan' at kumain ng sandamakmak na hotdog ay nakaramdam ito ng panghihina at namumutla.
Ang payo ng doktor sa mister ni Janice (Chariz Solomon), umiwas muna sa pagkain ng processed food tulad ng hotdog! Kayanin kaya ni Patrick ang bago niyang era na healthy living?
Tutukan ang mga mangyayari sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na August 23, sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now