
Tumitindi ang sakit ng ulo ni Patrick (John Feir).
At dahil ayaw nito na mag-alala ang misis na si Janice (Chariz Solomon) ay itatago niya ito.
Pinayuhan naman siya ng kaniyang BFF na si Pepito (Michael V.) na magpatingin sa doctor, kaso ang espesyalista ni Patrick ay ang nababasa niyang sintomas sa Doktor Web.
Mapagkakatiwalaan kaya ang online source na ito ni Patrick?
Paano kung mapaniwala rin niya si Pitoy na ang nararamdaman niyang sakit ay sintomas ng brain tumor?
Balikan ang problema ng magkaibigan na Pepito at Patrick sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last July 16 sa video below.
Heto pa ang ilang highlights ng high-rating Kapuso sitcom na dapat n'yong ulit-ulitin.
Ano'ng mas nakakastress presyo ng bilihin o si Maria?
Chito at Clarissa, ang forever babies ni Elsa
Kamot-ulo si Pitoy sa dami ng kamote!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.