
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 9.2 percent TV rating last March 22 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Crucial game para sa BFF ni Pepito (Michael V.) na si Patrick (John Feir) dahil kung hindi niya maipapakita na may ibubuga siya sa larong basketball sa isang tunay na liga, hindi siya papayagan ni Janice (Chariz Solomon) na mabili ang isang bagong labas na video game.
Totoo kaya na panggulat si Patrick sa laban ng kaniyang team o gugulatin niya si Janice na nabangko siya?
Patrick, ang PANGGULAT sa liga!
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Clarissa, muntik nang makabangga!
Kakaibang kaba kapag first-time driver si tropa!
Tula na may halong trashtalkan! Fliptop 'yarn?
Janice, mapapalaban ng suntukan?!
PM Mineral employees, tutula nang mahabang-mahaba!
Baby, tumira ng tres, boom panes!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV!
For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Pwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/pepito_manaloto_tuloy_ang_kuwento/videos/all.