
Todo ang love na ibinibigay ng mga manonood sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong weekend dahil sa mataas na TV ratings na nakuha nito.
Nakamit ng flagship comedy show ang 8.0 percent TV rating last August 23 base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating.
Biglang nagka-health emergency ang best friend ni Pepito (Michael V.) na si Patrick (John Feir) matapos silang kumain sa bagong branch ng Hot Duggan.
Matapos ang tests sa Alpha Health Medical Center, nalaman na may high blood at mataas ang cholesterol ni Patrick.
Kaya ang doktor, may bad news sa mister ni Janice (Chariz Solomon) dahil pinagbabawalan na ito kumain ng processed food tulad ng hotdog.
Kayanin kaya ni Patrick na hindi kainin ang favorite niyang hotdog?
Balikan ang masasayang moments kasama ang Manaloto fambam sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi:
What if bumalik ang nang-iwan sa'yo?
Ang pagbabalik ni Mario sa buhay ni Maria
Lumilipad na naman ang isip ni Maria
Pepito, may kakaibang puhunan!
Mga bwisitang kumare at kumpare ni Elsa
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.