
Ang ukay-ukay ni Clarissa (Angel Satsumi), magiging hukay-hukay?
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, tutulungan nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) ang kanilang anak na makalikom ng pera sa gagawin nitong pre-loved item sale.
Kaya ang mag-asawang Manaloto, naghanda ng mga lumang gamit. May mga items si Pitoy sa mancave niya na dinonate sa anak at kahit si Elsa ay nagbigay ng ilang bags.
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Pero, laking gulat ng dalawa nang makita ang ibinibenta ni Clarissa dahil may mga gamit doon na wala silang plano i-let go. Ano ang nangyari? At paano sasabihin nina Pepito at Elsa na may babawiin sila sa mga ibinigay nila?
Tutukan ang masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check! Nood na ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa bago nitong oras na 7:20 p.m., after PBB Celebrity Collab Edition.