
Mapapagiling ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa bago niyang makikilalang businessman na si Mr. Miyazawa sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong September 30.
Makukumbinsi kasi si Pitoy na mag-training ang staff niya sa PM Mineral Water under Mr. Miyazawa. 'Yun nga lang paniwala ng Japanese businessman, dapat una muna ang asawa ni Elsa (Manilyn Reynes) bilang leader ng kumpanya.
'Yun nga lang, magugulat si Pits nang malaman niya na ang training na sinasabi ni Mr. Miyazawa ay lesson sa pagsayaw bilang macho dancer.
Maamin kaya niya sa pamilya o empleyado ng PM Mineral Water ang ginagawa niyang special lesson?
Mas masaya ang panonood ng award-winning sitcom this weekend lalo na at makakasama natin ang mga Sparkle artists na sina Mikoy Morales, Prince Clemente, John Clifford at Sophia Senoron.
The best ang Saturday night kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 6:15 PM pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
THROWBACK PHOTOS WITH THE CAST OF PEPITO MANALOTO: