
The bigger, the better?
'Yun nga lang paano kung malaking fake news!
May haharapin na 'BIG' problem ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) ngayong Sabado ng gabi, September 7, nang malaman niya na may kumakalat na online advertisement tungkol sa kaniya.
Laking gulat ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes) na may gumamit ng kaniyang pangalan para iendorso ang isang underwear line na 'Big Man Magnetic Briefs.'
Sino kaya ang may pakana ng fake advertisement na hindi in-approve ni Pitoy?
May alam kaya rito ang manlolokong kapitbahay ng mga Manaloto na si Tommy Diones (Ronnie Henares)?
Sundan ang masayang kuwento ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong September 7 sa oras na 6:15 p.m. bago ang Running Man Philippines season two.
RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST