GMA Logo Pepito Manaloto episode on November 25
What's on TV

Pepito Manaloto: Pepito, pagdududahan bilang isang kidnapper?

By Aedrianne Acar
Published November 23, 2023 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode on November 25


Mukhang may problema na haharapin si Pepito (Michael V.) sa isang malaking event na pupuntahan niya!

Sunod-sunod na sakit ng ulo ang haharapin ng Manaloto family this Saturday night!

Magpapatulong si Tere (Cherry Malvar) sa pamilya ni Elsa (Manilyn Reynes) na maalagaan ang kaniyang niece na si Lily na nasa autism spectrum, dahil nakatakda siyang pumunta sa Singapore for a seminar

Hindi raw kasi makakauwi ang nanay ni Lily na nagtatrabaho sa Canada sa araw na pagpunta niya sa Singapore.

Feel at home naman si Lily kasama ang mga Manaloto, lalo na at nandiyan pa si Clarissa (Angel Satsumi).

Pero sa unang araw pa lang ni Lily sa mansyon, mawawala siya ng parang bula!

Saan kaya hahanapin si Lily nina Elsa at Clarissa?

Pepito Manaloto episode on November 25

Samantala, maiipit sa gulo si Pepito (Michael V.) sa isang high-level summit ng mga foreign dignitaries.

Bakit kaya mapagkakamalaan ang mister ni Elsa na may plano itong mag-kidnap ng isa sa mga dignitaries.

Mas mukhang kahinahinala pa si Pitoy dahil ang suot niyang Barong kahawig ng mga security personnel sa event.

Ano kaya ang nangyari sa ating bida milyonaryo bago pumunta sa naturang event?

Sigurado na best weekend ang naghihintay sa buong family, kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:00 p.m. ngayong November 25, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.