
May matinding bonding ang mag-best friend sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa huling Sabado ng Enero!
Makikilala nina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir) si Mang Gusting na isang Arnis master.
Maeengganyo tuloy ang mag-BFF na magpaturo ng Arnis dito, kaso katakot-takot ng sakit sa katawan ang mararanasan ng dalawa habang tinuturuan ni Gusting.
Ituloy kaya nina Pitoy at Patrick ang arnis lesson o mag-back out na silang dalawa dahil sa sobrang hirap?
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO' CAST
Tutukan ang isa na naman masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na January 31 sa oras na 7:15 p.m.