
Mapupuno ng takot at stress ang ating bida milyonaryo sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento ngayong April 11.
May two-day conference si Pepito (Michael V.) kasama sina Tere at Vincent sa Tagaytay. Kaso, ang hospitality manager ng hotel kung saan naka-book si Pepito na si Dennis (Yasser Marta) ay 'soafer' sa pagiging accommodating.
Source: Pepito Manaloto
Naging creepy na ang experience ng mister ni Elsa (Manilyn Reynes) nang sundan pa ni Dennis si Pitoy sa men's comfort room!
Umuwi kaya ang PM Mineral Water CEO dahil sa takot?
Tutukan ang isa na namang masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na April 11, sa oras na 7:15 p.m.