
May ma-uunlock na 'oppa' skills si Pepito (Michael V.) sa unang Sabado ng 2026.
Sa upcoming episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, gusto matuto ni Pitoy ng Korean language kaya naman gagamit siya ng 'Lingo Lingo' app na sinuggest ni Roxy (Mikoy Morales) para mas maging pulido sa pagsasalita ng Korean.
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Maging effective kaya ang pag-aaral niya para maintindihan siya ng Korean client niya na si Mr. Kim?
Sama-sama na manood ng episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento with the whole family sa darating na January 3 sa oras na 7:15 p.m.