
Big ang love ng fans para sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento matapos makapagtala ito ng high TV ratings nitong Sabado ng gabi.
Nakakuha ng flagship comedy show ng 10.1 percent TV rating last September 7 base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.), humaharap sa big problem nang malaman niyang may gumamit ng larawan niya online para ibenta ang Big Man Magnetic Brief.
Kinailangan pa nito magpa-release ng statement sa publiko na hindi siya endorser ng naturang underwear brand.
Matukoy kaya ni Pitoy kung sino ang utak sa likod ng fake online advertisement?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi!
Pepito, MODEL na ng BRIEF!
The bigger, the better, 'yan si Pepito!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Pepito at Elsa, ang gastos mag-away!
Pekeng Pepito, ready na sa mature roles!
Maria, may bagong amo na maselan!
Pinakaimportanteng relo ni Pepito, nawawala!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo ring balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOW PAGE.