
Masusubukan ang abilidad ni Boss Pepito (Michael V.) this Saturday night!
Sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, nagplano ang team ni Pitoy sa PM Mineral Water na mag-live selling para i-push ang kanilang produkto bago matapos ang taon.
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG 'PEPITO MANALOTO' CAST
Kaso, bago ang araw ng live selling na tinawag nilang 'PM's Day', bumuhos ang malakas na ulan. Kahit si Pitoy, hindi na nakauwi ng bahay at stranded na sa opisina dahil sa delubyo.
Matuloy pa kaya ang gagawing live selling ng PM Mineral Water team?
Tutukan ang masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check! Nood na ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa bago nitong oras na 7:15 p.m., after PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong November 22.