GMA Logo Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento episode on May 9
Source: Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Pits, makikilala si Chacha!

By Aedrianne Acar
Published May 7, 2026 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte, gikonsiderang ‘basura’ ang mga mikatag nga isyu I One Mindanao
At least 200 House members want VP Duterte impeached, solons say
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto Tuloy Ang Kuwento episode on May 9


Ang bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.), may sabit?

May malaking sorpresa ang bubulaga kay Pepito (Michael V.) ngayong Sabado ng gabi!

Makikilala niya ang isang dalaga na nagtatrabaho bilang barista na si Chacha. Excited ito na makita ang mister ni Elsa (Manilyn Reynes) at tinanong pa nito kung kilala ni Pits ang isang Abigail Mendoza.

Pero, tila hindi lamang basta-basta na encounter ang mangyayari dahil sasabihin ni Chacha sa ating bida milyonaryo na siya ang tatay nito!

Totoo kaya ang sinasabi niya at may isa pang anak ang CEO ng PM Mineral Water?

Ano ang gagawin ni Elsa (Manilyn Reynes) kapag nalaman niya kung sino si Chacha?

Tutukan ang isa na naman masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na May 9 sa oras na 7:15 p.m., pagkatapos ng Planet XP.

RELATED GALLERY: Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors