
May kanya-kanyang problema sina Elsa (Manilyn Reynes) at Baby (Mosang) this weekend!
Sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado (July 12), may dilemma ang misis ni Pepito (Michael V.) dahil dalawa sa kanyang best friend na sina Amor at Betty mula abroad ang bibisita.
'Yun nga lang hindi close ang isa't isa. Gusto sana niya sabay na makita ang ito, pero sino kaya kina Amor at Betty ang uunahin niya makita at maka-bonding?
Ito namang kasambahay ng mga Manaloto na si Baby, makakagat ng aso sa loob ng Woodland Hills.
Paano kaya masosolusyunan ang problema sa stray dogs sa village nila Pepito?
Tutukan ang mga mangyayari sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na July 12 sa oras na 6:15 pm, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now